Connect with us

National News

Pilipinas, tumaas ang ranking sa press freedom index ngayong taon

Published

on

Umangat ang Pilipinas sa ika-116 na puwesto sa 2025 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders (RSF).
Ito umanoang pinakamataas na ranggo sa loob ng 21 taon, ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).
Mula sa ika-134 noong 2024, tumaas ang overall score ng bansa ng 6.2 puntos, patunay umano ng mas ligtas at mas maayos na kalagayan para sa mga mamamahayag.
Ayon kay PTFOMS Executive Director Jose Torres Jr., ito ay bunga ng kolektibong pagsisikap ng pamahalaan at media upang maprotektahan ang press freedom.
Tinukoy rin ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na walang naitalang pagpatay sa hanay ng mamamahayag noong 2024 unang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada.
Gayunman, kinilala ni Torres ang patuloy na hamon, kabilang ang kamakailang pagpatay kay beteranong mamamahayag Juan Dayang. Tiniyak niyang iniimbestigahan na ito ng PNP.
Nanawagan si Torres sa publiko na makiisa sa pagtatanggol ng malayang pamamahayag, na aniya’y mahalaga sa isang demokratikong lipunan. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading