Connect with us

National News

Pilipinas Wagi ng Walong Parangal sa World Travel Awards 2024

Published

on

Pilipinas Wagi ng Walong Parangal sa World Travel Awards 2024

MANILA, Philippines – Pinatunayan muli ng Pilipinas ang pagiging isa sa mga pangunahing destinasyon sa Asya matapos mag-uwi ng walong parangal sa ika-31 World Travel Awards (WTA). Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-host ang bansa ng prestihiyosong seremonya sa tulong ng Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotions Board (TPB) Philippines.

Sa Asia & Oceania Gala Ceremony 2024 na ginanap sa City of Dreams noong Setyembre 3, nakuha ng Pilipinas ang titulong Asia’s Leading Dive Destination sa ika-anim na sunod na taon, kasama ang Asia’s Leading Beach Destination at Asia’s Leading Island Destination.

Kinilala rin ang Intramuros bilang Asia’s Leading Tourist Attraction, Boracay bilang Asia’s Leading Luxury Island Destination, at Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination.

Binigyang-parangal din si DOT Secretary Christina Garcia Frasco para sa kanyang transformational leadership sa turismo, na naglatag ng bagong pamantayan sa turismo sa buong Asya at Oceania.

Nasungkit din ng Pilipinas ang Asia’s Leading Marketing Campaign 2024 para sa kampanyang “Love the Philippines.”

Noong nakaraang taon, nanalo rin ang Pilipinas ng ilang parangal sa ika-30 WTA, kabilang ang Global Tourism Resilience award.

Pilipinas, Mabuhay ka!