Economy
Pilipinas, Thailand at India pinaka apektado ng pagtaas presyo ng langis bunsod ng giyera sa Ukraine
![Giyera sa Ukraine](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2022/02/Giyera-sa-Ukraine-.jpg.webp)
![Giyera sa Ukraine](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2022/02/Giyera-sa-Ukraine-.jpg.webp)
Ayon sa Nomura Holdings Inc. ang mga bansang India, Pilipinas, at Thailand ay ang pinaka malaking talo sa mga bansang nasa Asya dahilan sa pag taas ng presyo langis. Bunga nito ay ang pagtaas ng inflation rate, paghina ng pananalapi at pagbagal ng pag-unlad sa mga nasabing bansa.
Batay sa ulat ng Sonal Varma at Ting Lu kahapon, Biyernes ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ay nakapag dudulot ng malaking epekto sa mga pangunahing bilihin, lalo na sa presyo ng langis at pagkain. Dagdag pa dito ang iba pang dahilan outside the conflict na makakapag pataas pa lalo ng presyo.
Ang 10 porsiyento na pagtaas sa presyo ng langis ay nakapag dadagdag ng 0.4 na porsiyento sa inflation rate sa bansang India at Pilipinas at 0.3 porsiyento naman sa bansang Thailand. Bunsod ito ng mataas na halaga ng transportasyon at utilities. Ang malaking pangangailangan sa pag import ng langis at nangangahulugan din ng paghina ng pananalapi.
Ang India ay inaasahang magkakaroon ng may pinakamalaking dagok pag dating sa ekonomiya, na may 0.2 percentage points na pag baba, habang ang Pilipinas naman at Thailand ay mayroong 0.1 percentage points na pagbaba. Samantala ang tinaguriang commodities giant na bansa ang Indonesia ay inaasahang may pag taas ng 0.05 sa percentage points bunsod naman ng pag laki ng exports nito ng palm oil, gas at coal.
“Most Asian conusmers have not yet fully recovered from the pandemic and have lower savings, so higher inflation can squeeze real disposable incomes and weaken the incipient consumption recovery” ayon kay Nomura. ” We also see risk to corporate profit margins, as the entire input cost burden is unlikely to be passed on to consumers.”
Ayon sa ulat, ang tumataas na tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ay nag tulak sa halaga ng Brent oil na $100 kada bariles. Isang pagkakamali kung isasawalang bahala ang iba pang salik na nakapag papataas ng presyo, tulad nang panunumbalik ng biyahe at hindi sapat na pamumuhunan sa fossil fuels. Ito ay may epekto rin sa presyo ng pagkain,gas,abono, at feedstock na nakaka apekto ekonomiya sa Asya.
Batay kay Nomura, inaahasan nitong ang mga central banks sa developed Asia ay mag hihigpit ng mga polisiya para maibsan ang banta sa muling pagbangon ng kanilang ekonomiya. Samantalang ang Pilipinas at Indonesia ay kinakitaan ng pagtaas ng rates nito lamang taon, habang ng Thailand ay nananatili pa rin sa kanilang rates.
(BusinessMirror)