Connect with us

National News

PILOT TESTING NG FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA LOW RISK AREAS SA COVID-19, SA 2021 INAPRUBAHAN NI PRES. DUTERTE -MALAKANYANG

Published

on

Photo| Philstar

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na in-aprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa mga piling eskwelahan sa mga areas na may low COVID-19 risk sa Enero 2021.

Ayon kay Roque, dapat na mag-coordinate ang DepEd sa COVID-19 National Task Force (NTF) para sa monitoring sa pag-conduct ng pilot implementation.

Dapat din na gawin ito na sumusunod sa striktong health at safety protocols at dapat may commitment sa responsibilidad ang DepEd, local government units at mga magulang.

Paliwanag ni Roque na indi compulsory at dapat na boluntaryo na sumali ang mga estudyante at magulang.

Kailangan din ang permiso ng mga magulang sa pagsali ng mga estudyante sa face-to-face classes.