Connect with us

National News

PINABIGAT NA PARUSA SA MGA NAGMAMANEHO NANG LASING, LUSOT NA SA KAMARA

Published

on

INAPRUBAHAN na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang magpapataw ng mas matinding parusa sa mga magmamaneho na nasa impluwensya ng alak o bawal na gamot. 

Batay sa House Bill No. 8914 na mag-aamyenda sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 (Republic Act No. 10586), pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000 at pagkakakulong ng anim na buwan ang sinumang mahuhuli. 

Nasa P150,000 hanggang P250,000 naman ang multa at pagkakabilanggo kung mayroong masasaktan sa insidente.

P350,000 hanggang P500,000 naman ang multa at 12 hanggang 20 taong pagkakakulong naman ang parusa kapag merong masawi. 

Sa ilalim ng panukala, kukumpeskahin at sususpendehin ang nonprofessional driver’s license sa loob ng walong buwan sa unang paglabag. 

Tuluyan naman itong babawiin sa ikalawang paglabag.

Kung professional driver’s license ang gamit agad naman itong kakanselahin.

(Sources: Remate/Abante)

Continue Reading