Connect with us

National News

Pinakamalaking repatriation na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas o possibly the biggest repatriation anywhere, of any country, in the world – Locsin

Published

on

PH Biggest repatriation in the history

Hindi ini-exaggerate ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. noong sinabi niya na ang patuloy na repatriation ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar, ay ang pinaka-malaki sa buong kasaysayan ng Pilipinas.

Ang huling mass repatriation na ganito karami ay naganap noong 1991 na kung saan 20,000 hanggang 30,000 mga Pilipino ang napauwi galing Iraq, Kuwait, Saudi Arabia at iba pang Middle Eastern na bansa dahil sa first Gulf War.

Ang bilang ng mga repatriated Filipinos ngayon ay 10 times na higit pa, dahil sa nagaganap na covid-19 pandemic.

“It’s the biggest repatriation ever in our history, possibly the biggest repatriation anywhere, of any country, in the world,” pahayag ni Locsin sa Twitter.

Noong Miyerkules, Agosto 11, mayroong tatlong chartered flight na nag-uwi ng higit 1,000 overseas Filipino Workers (OFW), karamihan ay galing Middle East at mga Pilipinong naninirahan overseas.

Simula noong 2020, higit 1 million Pilipino ang napauwi, nang dahil sa pandemya.

Pinaniniwalaan naman ng gobyerno ng Pilipinas na marami pang Pilipino ang stranded sa ibang bansa at naghihintay na lamang ng repatriation flights.

Libo libo na ang naka uwi

Noong Pebrero 2020, sinimulan ng gobyerno ang repatriation ng libo-libong mga Pilipino na OFW at mga overseas Filipinos. Sa katapusan ng 2020, umaabot ito ng 791,623 mga Pilipino, ayon sa pag-aaral ng International Organization for Migration (IOM) United Nations Migration.

Ayon sa pahayag ng IOM, mayroon hindi bababa sa 481,305 ang napauwing mga Pilipinong may land-based jobs. At hindi rin bababa sa 308,332 ang nagtatrabaho sa mga barko. Mayroon namang 1,986 ang napauwi galing Sabah.

Dagdag pa ng IOM, 327,511 OFWs na mayroong land-based jobs ang napauwi ng DFA, ito ay 71 percent sa kabuuan ng repatriation. At 95,974 naman ay nagtratrabaho sa 150 cruise ships, oil tankers at iba pang mga cargo vessels.

Alinsunod sa data ng DFA noong Agosto 7, may naitalang kabuuang 408,911 mga Pilipino ang napauwi sa panahon ng pandemya. Sa bilang na ito, 105,607 ang nagtatrabaho sa mga barko at 303,304 naman ay land-based.

Batay sa data ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa 502,5821 OFWs na umuwi ng Pilipinas ay dahil nawalan sila ng trabaho o takot na ma-stranded dahil sa pandemya o pareho.

Nagbigay naman ng mas mataas na estimates ng reverse diaspora si Defense Secretary Delfin Lorenzana. Saad niya, nitong Hunyo 28, higit 1 million Filipinos ang napauwi o umuwi sa Pilipinas dahil sa pandemya.

“The COVID-19 pandemic has amplified trafficking dangers, loss of jobs, growing poverty, involuntary servitude of seafarers because of the delay of the deployment of their replacements, illegal recruiters taking advantage of the economic needs of the unemployed,” ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar.

“The COVID-19 global pandemic, [has] put Filipinos living overseas in a precarious situation, facing unprecedented challenges and leaving many extremely vulnerable,” pahayag ng IOM sa kanilang pag-aaral.

“When businesses started to shut down because of the worldwide mobility restrictions, many OFWs found themselves stranded, unemployed and at risk of COVID-19,” ayon sa UN agency.

Source: Inquirer.Net