National News
Pinakamayayamang lungsod at probinsya, kinilala
Nanatiling nangunguna bilang pinakamayamang lungsod sa Pilipinas ang Makati City.
Batay sa Commission on Audit’s Annual Financial Report, tinatayang ang kabuuang yaman ng nasabing syudad ay nasa 230 bilyong piso noong nakaraang taon. Mula 196 bilyong piso noong 2017, tumaas pa ito ng 34 bilyong piso.
Ang nakikitang dahilan ng higit pang pagyaman ng Makati ay ang dami ng mga kalsadang natapos nitong naraang taon sa Sta. Cruz, Olympia, Valenzuela, Guadalupe Viejo, Pinagkaisahan at Pitogo. –
Pumapangalawa naman ang Quezon City na may tinatayang kabuuang yamang aabot sa 87 bilyong piso.
Ang walong iba pang lungsod na bubuo sa top 10 richest cities ay ang mga sumusunod:
- Manila, P40 billion;
- Pasig City, P38 billion;
- Cebu City, P33 billion;
- Taguig City, P24 billion;
- Caloocan City, P18.3 billion;
- Pasay City, P18.2 billion;
- Davao City, P16.2 billion; and
- Calamba City, P12.6 billion.
Samantala, ang pinakamayamang probinsya naman sa bansa ay ang Cebu na may tinatayang P35 billion worth of assets. Sinusundan ito ng Compostela Valley na may P19 billion, Batangas na may P18.1 billion at Rizal na may P18 billion.
Ang bubuo sa 10 richest provinces ay walong sumusunod:
- Bukidnon, P15 billion;
- Negros Occidental, P14 billion;
- Laguna, P11.5 billion;
- Iloilo, P11.4 billion;
- Palawan, P11.27 billion; and
- Zambales, P11.24 billion.