National News
PLTGEN. DANAO SA KAPULISAN: “We can always make everyday as a police-community relations day”
Hinikayat ni PNP OIC PLt. Gen. Vicente Danao, Jr. ang mga kapulisan na gawing PCR day [Police-Community Relations day] araw-araw.
Ito ang mensahe ni PLt. Gen. Danao sa PCR Month Kick-off Ceremony na ginanap sa NHQ BGen Camp Rafael T Crame, Quezon City, nitong Hulyo 4.
“Siguro we can always make everyday as a PCR day sa ating mga men in uniform. Simply by how? Simply by making a gesture of a simple smile and a simple greetings to wherever you go, representing the men in uniform, wearing proudly this blue uniform in whatever capacity that we are in,” ani Danao Jr.
Ang simpleng pagbati umano ng ng “Magandang Umaga Po”, “Magandang tanghali”, “magandang gabi” ay malaking bagay at may malaking impact sa mga kapulisan.
“Simple smile, kahit kanino especially when we are entertaining our clients on the ground. Simple things katulad n’yan, papasok sa gate, magtatanong, pupunta sa desk, magrereklamo. ‘yong simpleng pagbibigay lang ng isang smile at pag-greet sa kanya. ‘yong simpleng pagsagot ng telepono, magandang umaga po sir, magandang hapon po sir, ano po ba ang aming maipaglilingkod sa inyo? Simple things and those gestures would nearly make a lot of difference especially to our men in uniform. Napakalaking bagay n’yan,” saad nito.
“Because it attracts others to really give the respect to our uniform,” pagdidin pa ng opisyal.
“Iyong simpleng wag mo lang abusuhin. Yung simpleng wag lanag natin itake for advantage,” dadgag pa nito.