National News
PNP, BINALAAN NA ‘WAG PAKIALAMAN ANG PRIVACY NG MGA NETIZENS SA PAGSASAGAWA NG MONITORING SA QUARANTINE VIOLATORS SA SOCIAL MEDIA
Kasunod ito sa utos ng Joint Task Force COVID Shield sa mga police commanders sa bansa na imonitor ang Facebook at iba pang social media platforms para mahuli ang mga lumalabag sa quarantine health protocols.
Sa statement na ipinalabas ni National Privacy Commissioner Raymund Liboro ngayong araw, Setyembre 7, sinabi nito na dapat legal ang pamamaraan ng mga enforcers para makuha ang impormasyon na kailangan nila. Dapat din ayon sa opisyal na ‘properly trained’ ang mga gagawa nito.
“The plan by the Philippine National Police to scan social media for violators of quarantine protocols must recognize the data privacy rights of individual. In keeping communities safe in this pandemic, leads and evidence gathered from social media and other digital tools to enforce the law must be legally obtained,” pahayag ni Liboro.
“By monitoring social media, the police must use techniques that are not privacy intrusive. Law enforcers should be trained to use the medium effectively and reliably to build the confidence and trust of the public, especially netizens,” dagdag pa nito.