Connect with us

National News

PNP, bumuo ng joint anti-kidnapping action committee laban sa tumataas na kaso ng kidnapping sa bansa

Published

on

‎ Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng isang Joint Anti-Kidnapping Action Committee kasunod ng tumitinding banta ng mga organized kidnap-for-hire syndicates sa bansa.

 

Ayon kay Marbil, layunin ng bagong komite na pagtibayin ang koordinasyon sa pagitan ng National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), at Anti-Money Laundering Council (AMLC), upang mas epektibong labanan ang makabagong pamamaraan ng mga sindikato.

 

“Gusto namin lahat ng mga agencies involved dito from NBI to DOJ to AMLC kasi ito na yung pattern ng kidnapping ngayon dati you just kidnap locally. Ngayon ang nag kikidnap syndicate na it’s a huge syndicate, nag money laundering na,” ani Marbil.

 

Ibinahagi rin ng PNP chief na malaking hamon sa imbestigasyon ngayon ang paggamit ng mga sindikato ng cryptocurrency para itago ang kanilang iligal na kita.

 

“In fact we have learned our lessons, kapag crypto kailangan namin yung AMLC para mahanap namin asan yung flow kasi dati dali lang hanapin yung pera. Kung asan yung pera let’s follow the money trail. Ngayon hindi na nawawala na pagka nandito sa cryptocurrency,” dagdag pa niya.

 

Layon ng komite na magpatupad ng mas agresibong operasyon laban sa mga sindikatong sangkot sa pagdukot, gamit ang pinagsamang pwersa ng teknolohiya at batas, upang maprotektahan ang seguridad ng publiko, lalo na ang mga foreign nationals na target ng krimen.

 

 

Continue Reading