National News
PNP Chief Suportado ang Pagdadala ng Armas ng Media, Pagbaba ng Permit Fee Pinag-aaralan
Sa isang ambush interview matapos ang pagbubukas ng PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Quezon City, ipinahayag ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang kanyang suporta sa ideya ng pagdadala ng armas ng mga miyembro ng media.
Napakahalaga, ayon kay Acorda, na maprotektahan ng mga media ang kanilang sarili sa pamamagitan ng responsableng pagdadala at paggamit ng baril dahil sa mga banta na dulot ng kanilang propesyon.
Bilang tugon dito, ibibigay ng PNP ang mga kaukulang accommodation para sa mga miyembro ng media na nagnanais kumuha ng lisensya upang makapagdala ng armas.
Bukod dito, tinitingnan din ng PNP ang posibilidad na ibaba ang bayarin para sa Permit to Carry Firearms (PTC) para sa mga miyembro ng media, na maging katulad ng fee na binabayaran ng mga tauhan ng gobyerno.