Connect with us

National News

PNP, dumistansya sa ibubunyag ni VP Robredo sa drug war

Published

on

Photo courtesy| Leni Robredo Media Bureau via CNN Philippines

Dumistansya ang Philippine National Police (PNP) sa gagawing pagbubunyag ni Vice President Leni Robredo sa publiko tungkol sa war on drugs.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations P/LtG. Camilo Cascolan, bilang tagapagpatupad ng batas, ang tangi nilang tinututukan ay ang kanilang mandato sa ilalim ng batas.

Ito aniya, ay upang supilin ang paglaganap ng krimen at ilegal na droga na siyang pangunahin sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte, mula nang maupo ito sa puwesto.

Dahil dito, sinabi ni Cascolan, na hindi sila makikisawsaw sa anumang usaping pulitikal hinggil sa war on drugs.

Ipagpapatuloy lamang aniya ng PNP ang kanilang mandato, at wala naman silang ikinakatakot sa anumang impormasyong isisiwalat ni Robredo.

Samantala, ipinagpaliban muna ni VP Robredo ang pagsisiwalat ng kanyang mga natuklasan sa drug war noong siya ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chairperson, para maka-focus ang bansa sa pagtulong sa mga biktima ng lindol. – radyopilipinas.ph