Connect with us

National News

PNP gumawa ng FB account kung saan maaaring i-report ang quarantine violators

Published

on

GUMAWA ng Facebook account ang Philippine National Police (PNP) kung saan maaaring isumbong ng mga netizen ang mga quarantine violator.

Batay kay PNP Deputy Chief for Administration at Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, isinagawa ang hakbang para himukin ang publiko na makiisa sa gobyerno sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa gitna ng pandemya.

Aniya, sa pamamagitan ng bagong FB account ay magiging madali na lang sa mga netizen na isumbong sa mga awtoridad ang mga quarantine violator.

Maaari umanong i-report ang mga litrato at videos ng mga inuman, malalaking party o selebrasyon, at maging illegal gambling sa mga pampublikong lugar.

Hinimok naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang publiko na tulungan ang gobyerno na maipatupad ang quarantine rules.

“In this time of pandemic, what our country needs is vigilance and cooperation from everybody. But we do not infringe on the rights of our people, yun namang social media is for everyone,” ani Año.

Continue Reading