Connect with us

National News

PNP, pinag-iinggat ang publiko vs online booking scams ngayong summer season

Published

on

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko kaugnay sa mga kumakalat online na mga booking scams ngayong summer season.

 

Mayroon umanong mga alok online para sa mga magbabakasyon na tila “to good to be true.”

 

Hinimok ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga nagbabalak magtravel na siguraduhin muna ang mga travel agencies at mga booking platforms kung ito ba ay legit bago mag-avail o gumawa ng transakyon.

 

Ang nasabing babala ay kasunod ng pagkaaresto ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng kapulisan sa 45 indibidwal sa cybercrimes mula April 11 hanggang 17.

 

Kaugnay nito, nanawagan rin ang ACG sa publiko na manatiling alerto at agad iulat ang anumang kahina-hinalang online activity sa pamamagitan ng official hotlines at verified social media accounts ng ACG.

 

Pagsisiguro naman ng PNP na patuloy ang kanilang isinasagawang operasyon para tiyakin ang mas ligtas na cyberspace para sa mga Pilipino.

 

Continue Reading