National News
POSIBLENG PAGBUKAS NG SALON AT BARBERSHOP, PINAG-AARALAN NG DTI
Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na bukas sila sa suhestiyon na muling buksan ang mga salon at barbershops sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na nagsasagawa ng demonstrasyon ang ilang mga salons at barbershops para matulungan ang DTI na makabuo ng desisyon dahil patuloy pa nilang pinag-aaralan ang posibleng pagbukas ng mga ito.
“Kasama po ang pag-review, may mag-de-demo na barbershops and salons para ho kung tayo po ay magiging [general community quarantine] na. Ito po ay pinag-aaralan na rin ngayon kung dapat na rin silang buksan,” ani Lopez.
Maraming establisyemento na nagbibigay ng personal care services gaya ng salon at spa ang nananatiling sarado sa ngayon sa mga lugar na nasa ilalim ng quarantine restrictions.
Maliban dito, pinag-aaralan din ng DTI ang posibleng pagtanggap ng mga dine-in customers sa mga restaurants.