Connect with us

National News

‘PREPAID LOAD, FOREVER BILL’: PAGTANGGAL NG EXPIRATION DATE SA LOAD ISINUSULONG SA SENADO

Published

on

Photo from Unsplash

Isinusulong ngayon ni Senador Sherwin Gatchalian na tanggalin na ang expiration date sa prepaid load para sa mga mobile phones at internet services.

Nais ng senador na talakayin na sa Senado ang nakabinbing panukalang batas na Prepaid Load Forever Act o Senate Bill No. 365 lalo na’t kailangan ito sa panahon ng pandemya.

Binigyang diin pa ni Gatchalian na ngayong pandemya, umaasa ang mga tao sa modern information and communication technology (ICT) para sa daily survival.

“Sa panahon ngayon na iginagapang ng karamihan ang arawang gastusin at ginagawa na ang lahat ng paraan ng pagtitipid, nararapat lamang na tulungan natin silang mapagaan ang kanilang mga pasanin,” saad pa ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on economic affairs.

Batay sa panukalang batas, kabilang rito ang lahat ng prepaid cards na nag-ooffer ng voice, short messaging system (SMS) o text, mobile data, value added services (VAS).

Kabilang din ang mga load na ginagamit para sa internet sa mga devices tulad ng tablets, Wi-Fi dongles o mobile hotspots.

Ang lalabag sa nasabing batas ay pagmumultahin ng ₱100,000 hanggang ₱2 million at pagkakakulong ng 2 hanggang 6 na taon.

Continue Reading