National News
PRES. DUTERTE, KAILANGAN PA ANG SAPAT NA PANAHON UPANG MAGDESISYON SA ECQ
Wala pang pinal na desisyon si Pangulong Duterte kung nararapat pang i-extend o hindi ang enhance community quarantine sa Luzon na magtatapos sa April 30.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, ipinag-utos kagabi ng pangulo sa Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Disease na mas pag-ibayuhin pa ang pag-aaral sa sitwasyon para makabuo ng karagdagang opsyon sa hakbang ng pamahalaan.
Muli namang iginiit ni Nograles na wala sa pagpipilian ang Martial Law.
Ayon kay Nograles, sa ngayon lumalabas na mas nakokontrol na ng pamahalaan ang pagkalat ng COVID 19 sa tulong na rin ng pina-igting na testing sa bansa.
Maliban dito muli din niyang inilatag ang mga bagong derektiba na napagkasunduan ng IATF.
Pangunahin na rito ang pagre-require na ngayon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na sumailalim sa rapid anti-body testing at 14 days quarantine.