Connect with us

National News

Pres. Duterte magiging prangka sa pag-ungkat ng arbitral ruling kay Chinese Pres. Xi – Panelo

Published

on

Magiging diretsahan ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling buksan nito ang usapin sa panalo ng Pilipinas sa kanilang bilateral meeting ni Chinese President Xi Jinping mamaya.

Pinahayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo na sa gitna ng hinihintay na muling pagkikita ng dalawang lider mamaya kung saan ay inaasahang igigiit ni Pangulong Duterte ang pagkapanalo ng bansa sa West Philippine Sea kay Chinese Pres. Xi

Ayon kay Panelo, dati na umanong binuksan ng Pangulo sa kanyang counter part  ang claim ng bansa sa tagumpay nito sa arbitral ruling ngunit pahapyaw lamang ang dating nito.

Sinabi pa ni Panelo, sa muling paghaharap nila ni Pres. Xi ay magiging diretso si Pangulong Duterte sa gagawin nitong pag-ungkat sa karapatan  ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Hindi naman magiging one on one ang set up ng pagkikita mamaya nina President Xi at ni Pangulong Duterte na una nang inakala ni Secretary Panelo.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/gagawing-pag-ungkat-ni-pres-duterte-sa-panalo-ng-ph-sa-arbitral-ruling-kay-chinese-pres-xi-magiging-diretsahan-panelo