Connect with us

National News

President Marcos, naiinip na sa bagal ng proseso ng National ID

Published

on

PHOTO: Bongbong Marcos/Facebook

Dismayado sa Philippine Statistics Authority (PSA) si  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa mabagal nitong pag-issue ng National Physical ID sa publiko, ayon kay Ivan John Uy, Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary sa sectoral meeting sa Palasyo.

Nais umano ng Pangulo na maibigay na sa mga Pilipino ang kanilang National ID’s sapagkat hindi naman pwede na habangbuhay na maghintay ang mga tao.

Dagdag pa nito, kinakailangan ng mga Pilipino ang nasabing ID sa pagkuha ng ipinapamahaging tulong ng gobyerno tulad ng social amelioration program o mga ayuda, pati na rin sa paggawa ng transaksyon sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Hinggil dito sinimulan na umano ang paggawa ng national digital ID kasabay ng paghingi ng data o mga impormasyon na una nang nakuha ng PSA mula sa mga nagparehistro para maisagawa na rin.

Samantala,  naniniwala naman si Uy na maipapamahagi na nila ang national digital IDs sa 80 milyong Pilipino na una nang nagparehistro sa PSA para sa National ID bago matapos ang taong 2023.