Connect with us

National News

Presumptive president Bongbong Marcos at presumptive VP Sara Duterte, posibleng iproklama bukas — Zubiri

Published

on

Photo: Bongbong Marcos/FB

Posibleng sa Miyerkoles ng hapon o gabi, Mayo 24, ipoproklama ng Kongreso ang  nanalo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa Eleksyon 2022.

Ayon kay Senate Majority Leader Senator Migz Zubiri, sinimulan ngayong Martes ng umaga ang joint canvassing ng Kamara at Senado sa Batasan Pambansa.

“We are looking at two days. Our experience, ang pinag-usapan kahapon lalo na sa ganitong outcome na malaki ang agwat at convincing, ang panahon ‘di masyadong maraming objections lalo na kapag identical ang binubuksang COC at electronically COC,” ani Zubiri.

“Kung identical naman po by face value ay pwede na po canvass itong COC at mabibilang na sa presidente at bise presidente. We don’t really see too many problems that may arise. We will still be inspecting COCs,” pahayag ni Zubiri.

Sinabi din ng senador na naabisuhan na sina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio na maghanda oras na sila ay puwedeng iproklama bukas sa Batasang Pambansa.

 

 

Continue Reading