National News
Presyo ng ilang pangunahing bilihin tataas dahil sa inilabas na bagong SRP ng DTI
Sinisigurado na ng ilang mamimili ang kanilang mga pangunahing pangangailangan dahil magbabago na ang mga presyo nito sa mga susunod na araw.
Naglabas ng panibagong SRP (suggested retail price) ang DTI. Dahil dito, tataas ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin o ang mga Basic Necessities and Prime Commodities.
Tumaaas nang hanggang tatlong piso ang presyo ng mga pampalasa, tumalon din ang presyo maging ang mga kandila. Ang corned beef, umangat din ng hanggang tatlong piso. Tumaas din ang presyo ng ilang produkto gaya ng sabon, kape at gatas.
Ayon kay Usec. Ruth Castelo ng DTI, “Ito pa yung mga nung araw pang presyo, 4 or 5 years ago pa, ngayon lang sila ulit nag request ng increase”.
“Hindi na kaya ng manufacturers na hindi pa mag magtaas ng presyo because of the rising cost of raw materials, pati packaging nyan and its not just in the Philippines, its global yung presyo na nagtataas, but the price act also mandates naman that manufacturers or businesses should also have a fair return of their investments. Ayaw rin naman natin na yung mga businesess and manufacturers ay mag lay-off pa ng mga trabahador nila dahil hindi na nila kayang magpa sweldo”. Dagdag pa niya.
Epektibo na ngayong araw ang mga bagong SRP, pero bibigyan pa ang mga supermarkets at retailers ng ilang araw para i-update ang kanilang mga price tags. Mag iikot din ang DTI para masigurong nasusunod ang itinakdang SRP.
Ayon kay Steven Cua President Philippines Amalgamated Supermarkets Association, sana naman ay kinonsulta muna sila bago naglabas ang DTI ng bagong SRP. May ilang produkto kasi na mas mataas pa ang gastos nila kaysa SRP.
Binatikos din ng Laban Konsyumer ang bagong inilabas na SRP ng DTI. Pahayag nila ” The timing is so bad because there is still the threat of the pandemic, especially with the Delta variant that has already come into the country. Atty. Vic Dimagiba was already previously worried of the price hikes as this will further worsen the country’s inflation level, which is expected to average 4.2 percent this year”.
Ayon naman sa ilang mga mamimili, barya lang naman ang itinaas ng ilang mga bilihin, ngunit sa mga simple at ordinaryog mamamayan, malaking bagay at kabawasan na ito sa kanilang kinikita kung pag sasamasamahin.
(Source: April Rafales, ABS-CBN News)