Connect with us

National News

Presyo ng petrolyo, muling tataas ngayong linggo

Published

on

Presyo ng langis

Matapos ang tatlong linggo ng pagbawas ng presyo ng petrolyo, muling itataas ng mga lokal oil players ang presyo ngayong linggo.

Sa kanilang forecast, sinabi ng Unioil Philippines na tataas ng P0.60 hanggang P0.70 per liter ang kanilang diesel, habang tataas naman ng P0.20 hanggang P0.30 per liter ang gasoline.

Bago ang darating na pagbabago ng presyo, ang year-to-date adjustment ay nasa net increase ng P12.45 per liter para sa gasoline, habang P9.35 per liter naman sa diesel at P7.40 per liter ang kerosene.

Noong nakaraang trading week, sa unang tatlong sessions, “gained” ang global oil price nang dahil mahina ang dollar at mataas ang demand ng US fuel, ayon sa pag-uulat ng Reuters.

Source: PhilStar