National News
Pribadong yate na ginamit umano sa P9.7B drug haul, kinumpiska ng BOC
KINUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC), PNP at PDEA ang isang pribadong yate na ginamit umano sa drug haul ng nasa 1.4 tonelada ng shabu sa Nasugbu, Batangas.
Ayon sa BOC, tinatayang nasa P9.6 bilyon ang halaga ng ilegal na droga ang naharang sa isang police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15, 2024.
Lumabas din sa kanilang follow-up investigation na pagmamay-ari ng parehong indibidwal ang natuklasang tatlong karagdagang undocumented private yacht.
Noong Hunyo 27, 2024, inisyuhan ni Port of Manila District Collector Rizalino Jose C. Torralba ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang mga nasabing sasakyang pandagat dahil sa paglabag sa Section 1113 ng Republic Act 10863, na kilala rin bilang “Customs Modernization and Tariff Act.”