National News
Processing ng P5,000 para sa formal workers, tuloy kahit Holy Week
Mananatiling bukas ang tanggapan ng
Department of Labor and Employment (DOLE) kahit Holy Week.
Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ito’y para maproseso ang mga CAMP applications o ang COVID-19 Adjustment Measures Program.
Sa ilalim ng CAMP ay makatatanggap ang formal workers ng one-time P5,000 na cash aid.
Ayon pa kay Nograles, nakipag-usap na din at may kasunduan na sila sa LandBank para sa mabilis na pagre-release ng naturang pondo at maipasok sa kanilang ATM sa buong bansa ang P5,000 tulong pinansiyal sa formal workers.
Idinagdag ni Nograles na batay sa tala ng DOLE, nasa 139,003 regular at non-regular formal workers na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine ang nakinabang na sa CAMP. – radyopilipinas.ph