National News
Produksyon at paggamit ng single-use plastic unti-unti ng tatanggalin; Na-aprubahan na ng House Representatives ang final reading
Na-aprubahan na ng House of Representative ang final reading patungkol sa unti-unting pag-phase out ng produksyon, pagbenta at pagggamit ng single-use plastics.
Ang mga lawmakers sa lower chamber ay sumang-ayon sa pagpasa ng House Bill No. 9147 o yung proposed “Single-use Plastic Products Regulation Act,” na may boto ng 190-0-1.
Itong measure, “seeks to protect life on land and water from hazards posed by plastic pollution, prolong the service life of sanitary landfills, and to discourage the consumption of single-use plastic products.”
Pangunahing nitong target ang pagtatanggal sa loob ng isang taon ang produksyon, importation, pagbenta, distribusyon, probisyon, at paggamit ng single-use plastic.
Tulad ng single-use plastic drinking straws, stirrers, candy sticks, balloon sticks, cotton bud sticks, buntings, confetti, at packaging bags na less than 10 microns thick.
Nais rin nito ma-phase out sa loob ng apat na taon ang mga sumusunod na single-use plastic items:
tableware
film wrap
packaging or bags less than 50 microns thick
sachets
pouches
oxo-degradable plastics
styropor food and beverage containers
Sa isang pag-aaral noong Abril 2021, napag-alaman na ang Pilipinas ay nag-ambag sa 36% ng basurang plastik na napunta sa karagatan, na-identify rin na ang Pasig River ang top plastic pollution source.
“Seven of the 10 rivers that contributed plastic pollution in the world’s oceans are located in the country, “pinakita ng pag-aaral.
Inilarawan ng Climate Change Commission ang findings na “extreme concern” pagdating sa kung paano i-managed ng Pilipinas ang mga basurang plastik.
Ayon sa Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) Asia Pacific, mayroong 164 milyong sachets ang ginagamit at tinatapon ng mga Filipino bawat araw, o 59.8 bilyon kada taon, batay sa report na kanilang nilabas.
Ang retail o mas tinatawag na “tingi” ay pamamaraan ng mga Filipino para makabili ng mga single-use quantities.
Nitong taon, hinimok ng World Bank ang gobyerno ng Pilipinas na makipag-tulungan sa mga private sector at iba pang stakeholders upang ma-unlock ang “potential of up to $1.1 billion or P53.4 billion per year in material value from recycling plastics.”
Sa isang Social Weather Stations survey na nilabas noong isang taon, pinakita rito na pito sa sampung mga Filipino ay payag sa national ban ng single-use plastics.
Source: ABSCBN