Connect with us

National News

PRRD, pangungunahan ang pamamahagi ng P58M na halaga ng Agri Projects sa Region 12

Published

on

Photo/s: Presidential Photo

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pamamahagi ng P58 milyon na halaga ng proyektong pang agrikultura para sa mga farmers association sa buong Region 12 ngayong hapon sa bayan ng Pigkawayan, Cotabato Province.

Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo sa mga magsasaka ng rehiyon sa loob ng Municipal Gymnasium sa naturang bayan, upang siguruhin na patuloy ang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka.

Sa nasabing halaga, mapupunta ang P16.8 milyon sa probinsya ng Cotabato, P11.7 milyon sa South Cotabato, P19.4 milyon sa Sultan Kudarat, at P10.1 milyon, sa Sarangani Province.

Ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) 12, malaking bahagi ng naturang halaga ay mula sa Rice Program, kung saan mamamahagi ng anim na mini four-wheel drive (4WD) tractors, limang rice combine harvesters at 27 hand tractors.

Maliban diyan magbibigay din ang Pangulo ng P5,000 cash assistance sa 100 mga magsasaka ng palay mula sa bayan ng Libungan, Cotabato Province. – radyopilipinas.ph