Connect with us

National News

‘Pure PR stunt’: grupo ng mga teacher kinondena ang ₱1,000 incentive ng DepEd

Published

on

Teachers salary increase

Isa lamang public relations (PR) stunt ang ₱1,000 incentive benefit na ibibigay ng Department of Education sa mga guro ngayong World Teachers’ Day, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT).

“This is no news, there is no need for this announcement. For our public school teachers who have long been calling for salary increase and more substantial benefits amid the grueling distance learning, this announcement sounds desperate and pathetic,” sabi ni ACT Secretary-General Raymond Basilio sa isang pahayag kahapon.

Ipinaliwanag ng ACT na ang yearly incentive ay isang regular benefit na dapat na natatanggap ng mga public school teachers simula pa lamang noong 2018, ito ay napondohan sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.

Sinabi rin ng grupo na unang nabigong isama ni President Rodrigo Duterte ang benefit sa ilalim ng inimungkahing 2021 expenditure at nasunod lamang ito dahil sa demand ng mga guro.

Pinahayag ni Basillio na ang ₱1,000 benefit ay ang tugon ng administrasyong Duterte sa tawag ng mga guro na taasan ang kanilang suweldo noong 2018.

Dagdag pa dito, binigyan niya rin ng diin na naghihintay ang mga guro ng compensation para sa kanilang three-month overtime work noong nakaraang school year at ang makabuluhang pagtaas ng suweldo.

“This petty announcement of an incentive in a pitiful amount means nothing to teachers, what we need is ₱1,500 monthly internet allowance, payment of our overtime pay, and salary level commensurate to our arduous duty,” sabi ni Basilio

Source: Inquirer.Net

Continue Reading