National News
PUV DRIVERS, KONDUKTOR AY KAILANGAN DING MAGSOUT NG FACE SHIELDS
Inirikomenda nang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na amyendahan ang memorandum circular ng paggamit at pagsuot ng face shield ng mga PUV drivers at konduktor sa nasyon, simula August 15,2020.
Alinsunod sa Memorandum Circular No.2020-33 na inisyu ng LTFRB noong August 7,2020 na amyendahan ang naunang memorandum na kailangang ang mga ito ay gumamit ng eye protector o visor, bukod sa mandatory face shield.
Isa umano ito sa mga requirements ng Department of Transportation (DOTr) na gumamit at magsuot ng full face shields.
Kung sino man ang hindi sumunod ayon sa memorandum ay hindi papayagang makapag-byahe.
Ito umano ang nakikita nilang solusyon para mapigil ang mabilis na paglipat ng Covid-19, ayon sa LTFRB.
Dagdag pa ni Secretary Arthur Tugade huwag na umano tayong magreklamo o isiping sagabal ang pagsuot ng face shields bagkos ito ang mas mabisang solusyon upang maprotektahan tayo laban sa Covid-19.
Ayon umano sa pag-aaral ng University of the Philippine General Hospital 99 percent na ang pagsuot ng face mask at face shield sa publiko ay makakatulong upang mapigilan ang pagpasa ng nasabing sakit.