Connect with us

National News

Quad-committee hinimok si Roque na sumuko kasunod ng desisyon ng Korte Suprema

Published

on

Harry Roque during the House of Representatives Quad-Committee photo

Hinimok ng House of Representatives Quad-Committee (Quad-Comm) si dating presidential spokesperson Harry Roque na sumuko na kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema.

Hindi kinatigan ng Supreme Court ang proteksyon na hinihingi ni Roque laban sa pagpapaaresto sa kanya ng Quad-Comm na nag-iimbestiga kaugnay sa kanyang kaugnayan sa mga illegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ni Sta. Rosa City Representative Dan Fernandez na hindi dapat magtago si Roque sa likod ng mga technichalities at writ na walang basehan.

“Hindi na ito ang panahon para magpalusot. Attorney Roque should face the music and answer the allegations in the proper forum. Ang batas ang dapat manaig. Hindi dapat itago ni Roque ang kaniyang sarili sa likod ng mga technicalities o mga writ na wala namang basehan,” lahad niya.

Samantala, hinimok rin ito ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, overall chair ng Quad-Comm na makipagtulungan na ito sa kanila dahil kailangan ng publiko na malaman ang totoo.

“The Quad-Committee is uncovering layers of criminal activities tied to POGOs, and we need full transparency from everyone involved,” ani Barbers.