Connect with us

National News

Reciprocal access agreement ng Pilipinas at Japan, nilagdaan na

Published

on

Photo: PCO

Nilagdaan na ng Pilipinas at Japan ang Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement (RAA) na magsasailalim sa mga sundalong Pilipino sa joint combat training kasama ang Japan.

Gaganapin ang joint combat training sa naturang bansa.

Layon nitong palakasin pa ang kooperasyon sa depensa ng Japan at Pilipinas.

Nilagdaan ang RAA ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko sa ginanap na courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.. kasama si Japanese Defense Minister Kihara Minoru.

Ang nasabing defense agreeement ang kauna-unahang kasunduan ng Japan sa Asia.

“Your presence here increases our confidence and the importance that the Japanese government puts on these extremely important agreements that we have. And I’m very glad that we have come to this day,” pahayag ni Marcos sa mga Japanese officials.

“So, once again, welcome to the Philippines. I’m happy that you were able to come and visit to witness or to be part of this very important event,” dagdag pa ng pangulo.

Mababatid na malugod na tinanggap ng Pilipinas at Japan ang pagsisimula ng RAA negotiations sa pagbisita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Pilipinas nitong Nobyembre.

Ang RAA ay ipinangako sa inagurasyon ng Philippines-Japan Foreign at Defense Ministerial Meeting nitong Abril 2022.

Muli itong inihayag sa opisyal na pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan nitong Pebrero 2023. Ang unang pormal na negosasyon sa RAA ay ginanap sa Tokyo noong Nobyembre 29-30, 2023.

Kaugnay nito, ang Official Security Assistance (OSA) na ibinigay ng Japan para sa Pilipinas ay nilagdaan noong Nobyembre 3 noong nakaraang taon sa opisyal na pagbisita sa Pilipinas ni Prime Minister Kishida.

Noong nakaraang Abril, nagkaroon ng Trilateral Summit si Pangulong Marcos kasama sina US President Joe Biden at Punong Ministro Kishida, na muling pinagtitibay ang kanilang pangako para sa mas mapayapa, ligtas, at maunlad na Indo-Pacific.

Continue Reading