Connect with us

National News

RECORD HIGH: UTANG NG PINAS, UMABOT NA SA HALOS ₱11 TRILYON

Published

on

Image: Philippine Star

RECORD-HIGH na ang naitalang utang ng Pilipinas na umabot sa halos ₱11 Trilyon nitong katapusan ng Abril.

Batay ito sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr) na isinapubliko nitong Huwebes.

Ayon sa tala, ang eksaktong halaga na utang ng Pilipinas ay nasa P10.991 trillion.

Mas mataas ito ng 2% kumpara sa P10.774 trillion na utang noong katapusan ng Marso.

Pahayag ng Treasury, dahil sa “net availment of both local and external financing,” ang nasabing pagtaas nito.

“The latest rise in the national government debt largely reflects the increase in foreign borrowings by the national government recently, such as the EUR2.1 billion ($2.5 billion) euro-denominated bond sale and the JPY55 billion ($505 million) Samurai bond sale,” saad ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort.

Isa pa umanong dahilan sa pagtaas ng utang ng bansa ang patuloy na budget deficits sa monthly basis.

“The need to finance the purchase of more COVID-19 vaccines would also lead to some pick up in government borrowings/debt; as the commercial purchases for COVID-19 vaccines would be recurring in nature in the foreseeable future,” paliwanag pa ni Ricafort.