Connect with us

National News

Religious, work-related mass gatherings, ipinagbawal muli habang may GCQ –- Malacañang

Published

on

Hindi pa rin papayagan ang mga mass gatherings, katulad ng religious at work-related activities sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Roque ang desisyon ay ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases matapos magpahayag ng reklamo ang ilang mga lokal na opisyal sa kanilang naunang desisyon na payagan na ang mass gatherings sa mga lugar na sakop ng GCQ.

“Following the complaints coming from local officials that it would be impossible to implement social distancing measures in religious and social meetings and work gatherings, we have changed the guidelines. The ban on work gatherings and religious activities remains even under the GCQ,” saad ni Roque.

Pahayag ng Palace official, kanila na ring isinangguni sa mga religious groups
ang nabanggit na pasiya.

Narito ang iba pang sectors at activities na nananatiling ipinagbabawal sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine: schools, leisure, amusement, gaming, fitness, kids industry, tourism.

Ang GCQ ay ipinatupad sa lahat ng bahagi ng bansa maliban sa National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon maliban sa Aurora, Pangasinan, Benguet, kasama ang Baguio City, Iloilo, Cebu, kabilang ang Cebu City, Bacolod City, at Davao City. Ito ay tatagal hanggang Mayo 15.