National News
Remittances ng mga OFWs, bumaba ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas


Bumaba sa 4.2% ang remittances na naitala mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Batay sa BSP, 134 Billion pesos na remittances ang naitala sa buwan ng Agosto. Mas mababa ito kumpara sa 140 Billion pesos na naitala sa buwan din ng Agosto, nakaraang taon.
Bunsod ito ng maliit na halaga ng perang naipapadala ng mga land-based at sea-based OFWs dahil sa pandemya.
Mahigit 200,000 OFWs din ang lumipad pauwi sa gitna ng global crisis matapos maapektuhan ang kanilang kabuhayan sa ibang bansa.
Continue Reading