National News
Renewal sa Prangkisa ng ABS-CBN, lumalabo
Lumalabo ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN matapos na patuloy pa ring hindi ito aksiyunan ng Kamara.
Sa pagdinig nitong Miyerkoles ng House Franchise Committe, hindi pa rin kasama sa agenda nito ang pagdinig para sa renewal ng prangkisa ng naturang TV network.
Taliwas ito sa naunang pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na aaksyunan na nila ito sa unang linggo ng kasalukuyang buwan.
Ang mismong chair ng komite na si Rep. Franz Alvarez ay blangko kung kailan didinggin ang ukol sa renewal ng prangkisa ng naturang TV network.
Umiiwas itong sagutin ang katanungan na may kinalaman sa ABS-CBN franchise bagama’t sinabi naman nitong patuloy pa itong pinag-aaralan.
Una nang hinamon ng opposition bloc sa Kamara si Cayetano na patunayang hindi “tuta” ng Palasyo sa pamamagitan na rin ng pagtiyak na madaliin na ang pag-aksiyon sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Libo-libo umanong empleyado ang mawawalan ng trabaho pagsapit ng Marso kapag hindi agad ito naaksiyunan.
Article: ABANTE