National News
Repatriation ng mga OFW sa Lebanon, nagpapatuloy sa gitna ng gulo
Nasa kabuuang 461 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at 28 dependents na ang napauwi mula sa Lebanon sa gitna ng nagpapatuloy na gulo.
Dumating kahapon, Oktubre 14 sa NAIA Terminal 1 sa Pasay ang latest batch ng mga OFWs na mula sa nasabing bansa.
Nakatanggap ang mga repatriated OFWs ng mga pinansyal na tulong kabilang ang P75,000 mula sa DMW AKSYON Fund at P75,000 mula sa OWWA.
Bukod dito, may P20,000 na livelihood assistance din sila mula sa DSWD at skills training vouchers sa TESDA.
Inaasahan ng DMW na marami pang OFW ang babalik mula sa Lebanon dahil sa mas pinaigting na mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para mapauwi ang mga ito at masiguro ang kanilang kaligtasan sa gitna ng nagpapatuloy na Israel-Hezbollah conflict.