Connect with us

National News

RTF SPOX, NILIWANAG NA CAPIZ PROVINCE, ROXAS CITY AT BACOLOD CITY LAMANG ANG SAKOP NG MORATORIUM SA PAGPAUWI NG MGA LSIs

Published

on

Hindi lahat ng Local Government Units (LGUs) sa Western Visayas ang sakop ng temporary suspension sa pagtanggap ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs).

Ito ang niliwanag ni Regional Task Force against COVID-19 Spokesperson Aletha Nogra kasunod ng isinagawang pagpupulong ng RTF at Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) kanina.

Ayon kay Nogra, sakop lang ng moratorium ang Roxas City, Capiz province at Bacolod City dahil sila lang umano ang nag-request.

Nagsimula ngayong araw at magtatapos sa Sept. 22 ang moratorium sa pagtanggap ng mga LSIs sa Roxas City at Capiz, habang magtatapos naman sa Sept. 30 ang moratorium sa mga LSIs sa Bacolod City.

Dagdag pa ni Nogra, nagpapatuloy ang pagbyahe at pagtanggap ng mga LSIs sa mga natitirang probinsya at syudad sa rehiyon 6.

Ipinasiguro naman ni Nogra na papadalhan nila ng kopya ng official advisory ng RTF at RIATF ang Aklan kasunod ng ipinalabas na advisory ni Gov. Florencio Miraflores na hindi muna sila tatanggap ng LSIs.

Ayon pa sa advisory ng gobernador na hindi rin papayagan na dumaan sa Aklan ang LSIs na uuwi sa ibang probinsya sa Western Visayas.

Ayon kay Nogra, pwede muling maka-isyu ng advisory ang Aklan na nababase na sa advisory ng RTF at RIATF.