Connect with us

National News

SAP Subsidy, pinalawig hanggang Mayo 10

Published

on

Pinalawig hanggang Mayo 10 ang pagbibigay ng unang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, tiniyak umano nila na mas magiging smooth ang pagbibigay ng 2nd trance ng ayuda.

“We have received reports from our field offices na kahit na 24/7 ang pamimigay ng ayuda ay mahihirapan talagang mameet ng LGUs ang May 7 deadline lalo na ‘yung mga nasa Metro Manila. We are therefore giving them until May 10 para makompleto lahat ‘yan,” dagdag pa ni Año.

Nilinaw naman ng DILG Secretary na ang mga pumipila para sa SAP subsidy ay exempted sa curfew hour.

“Nasa pangalawang round na ng distribusyon ng SAP, LGUs by now have learned the ropes of the efficient distribution mechanisms in communities. Address the loopholes to ensure that the cash aid is received by beneficiaries in the whole amount and as early as possible. Iyong hindi nabibinbin ang distribusyon at walang ganid na nakakakupit o nakakabulsa nito,” pahayag ng kalihim.