Connect with us

National News

Sen. Bong Go, nagbanta sa scammer

Published

on

File Photo|©Philstar

Kinontra ni Senador Bong Go ang kumakalat na ulat na sangkot siya sa isang raffle scam kung saan pwede umanong manalo nang hanggang P580,000.Ads by AdAsia

Sa katunayan, balak niyang magsampa ng kaso laban sa mga ito.

Umabot kasi sa kanyang tanggapan ang balita na may ilang tao na nakatanggap ng text message na sinasabing sila ang “lucky winner of Php 580,000.00 from (AIM GLOBAL INC.) SPONSORED BY SEN BONG GO.”

“For the record, I am not related to AIM GLOBAL INC. in any capacity ever since… My office or I have not sponsored any contest of this kind before,” hayag ng senador sa isang pahayag.

“If anyone is using my name to defraud others, consider this as your first and last warning. I will not hesitate to file appropriate charges against you,” wika pa niya.

Hindi rin umano niya pahihintulutan ang mga taong nagpapakalat ng mga mapanlinlang na pahayag.

“I have always condemned those who are using my name for personal gain and for defrauding our fellow Filipinos. I will not condone these acts,” ani Go.

“Let me say it again one more time: If anyone is using my name while applying for any permit or requesting anything from the government, consider it as automatically denied,” dagdag pa niya.

Maaaring i-validate ang mga trade promo sa Department of Trade and Industry hotline na 1-384.

Article: ABANTE