Connect with us

National News

Sen. Dela Rosa, pumalag sa pahayag ni VP Robredo na bigo ang war on drugs ng administrasyon

Published

on

Umalma si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa pagtawag ni Vice President Leni Robredo na bigo ang war on drugs ng administrasyon.

Ayon kay Dela Rosa, ang pagtatanong ng bise presidente kung bakit magkasama sa rehabilitation centers ang mga drug pusher at user, ay patunay lamang aniya ng pagiging ignorante nito sa problema sa droga ng bansa.

Aniya, magkasama ang mga ito dahil pareho silang mga drug addict.

Paliwanag pa ng senador, maraming adik ay drug pusher rin, dahil ito ang paraan upang mapanatili nila ang paggamit nila ng droga.

Bukod dito, kinuwestiyon rin ni Dela Rosa ang binanggit na datos ni Robredo na nagsasabing nasa isang porsiyento lamang ng suplay ng shabu at drug money ang nasabat ng mga otoridad sa nakalipas na taon.

Giit ni Dela Rosa, taliwas ang pahayag na ito ng bise presidente sa una nitong naging pahayag na walang sapat na datos mula sa pamahalaan patungkol sa accomplishment sa war on drugs.

Tanong nito ngayon sa pangawalang pangulo, saan nanggaling ang iprinesinta nitong mga datos o maaari aniyang sinabin lang ito ni Robredo upang siraan ang pamahalaan. – radyopilipinas.ph