Connect with us

National News

SEN. GATCHALIAN, NANAWAGAN SA DOE NA PALAWIGIN ANG PRICE FREEZE SA LPG AT KEROSENE

Published

on

Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Energy na palawigin hanggang sa katapusan ng Hunyo ang price freeze sa liquified petroleum gas (LPG) at kerosene products.

Sa kanyang press statement, ginamit na rason ng senador ang kinakaharap na national emergency dahil sa epekto ng coronavirus disease.

Kinakapos ayon sa kanya ang mga tao ngayong panahon dahil karamihan sa kanila ay “no work, no pay”.

Ginawa ng senador ang panawagan matapos itinaas ng mga oil companies ang presyo ng LPG sa mahigit P5 per kilogram noong Mayo 1 o P56.98 hanggang P63.80 na presyo sa standard 11-kilogram LPG cylinder sa merkado.

Ayon naman sa mga kumpanya na ang mas mataas na presyo ng LPG products ay nagdedepende sa galaw ng international contract price ng LPG nitong Mayo.

Paglilinaw ng senador, “Sa ganitong panahon ng krisis, ang 50 o 60 pesos ay malaking tulong na lalo na sa mga pamilyang nasa mahihirap na komunidad. Pwede na itong pambili ng isang kilong bigas o kaya ay hanggang tatlong piraso ng delata”.

Noong Marso, nanawagan din si Gatchalian sa DOE na palawigin ang price freeze ng LPG at kerosene products base naman sa DOE Department Circular 2016-08-0013 na maging normal Lang ang presyo ng LPG at kerosene pagkatapos ng 15 araw na price freeze, maliban lang kung ipatupad ng presidente ang mandated price freeze base naman sa rekomendasyon ng DOE.

Nauna ng pinalawig ang price freeze sa nasabing mga produkto hanggang noong Abril.

Continue Reading