National News
Sen. Go, nagbabala laban sa mga nanghihingi ng donasyon


Nanawagan si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa publiko na huwag basta maniniwala sa mga grupo o indibidwal na nanghihingi ng mga donasyon.
Ito ang tugon ng senador sa lumabas na ulat, na may proyekto ang gobyerno sa Taytay, Rizal na nangangailangan ng pondo.
Ayon kay Go, hindi dapat agad paniwalaan ang mga nanghihingi ng pera lalo na ang mga pribadong grupo na nagsasabing may mga proyekto silang gagawin na pakikinabangan ng taumbayan.
Pinayuhan rin nito ang publiko, na agad na magpatulong sa pulis kapag mayroong mga ganitong tao na makakasalamuha.
Pagbibigay diin ng senador, hindi gawain ng gobyerno na basta mangolekta ng pera para lamang sa isang proyekto.
Paalala ni Go, huwag magpaloko sa mga mapagsamantalang tao. – Nimfa Asuncion / radyopilipinas.ph