National News
Senado, mas naging alerto laban sa mga Cyberattack
Mas naging alerto na ang Senado laban sa cyberattack makaraang mapabilang sa mga biktima ang House of Representatives.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., agad nagmonitor ang kanilang team ng malaman nilang na-hacked ang kamara.
Dagdag pa nito, ang Senado ay mayroong application firewall na makakatulong para protektahan ang kanilang website, pero gumawa na rin ang kanilang tehcnology team ng adjustments para mas palakasin pa ang security nito.
Napag-alaman na nagkaroon ng data breaches ang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Statistics Authority (PSA) at ngayon naman ay ang kamara.
Matatandaang linggo ng umaga nang makita ang homepage ng Kamara na nagpapakita ng troll face meme kung saan nakalagay na “You’ve been hacked. Have a nice day. Happy April Fullz kahit October palang! Fix your Website”.