Connect with us

National News

Senator Gordon kay Duque: “Marami kayong psychiatrist sa DOH. Pagamot ka muna sa psychiatrist ninyo”

Published

on

Photo| Pna.gov.ph

Iminungkahi ni Senator Richard Gordon kay Health Secretary Francisco Duque III na kumonsulta na sa psychiatrists kung sobra na ang nararanasang stress nito sa trabaho bilang hepe ng Department of Health (DOH).

Dahil kasi sa hindi napatay na mikropono, aksidenteng narinig nang lahat ang sinabi ni Duque habang nasa Senate Blue Ribbon Committee hearing na magulo na ang utak nito at hindi na alam ang gagawin.

“Alam mo nagulo na ang utak ko. Hindi ko na alam.”

Sinagot ito ni Gordon na chairman ng komite na: “Marami kayong psychiatrist sa DOH. Pagamot ka muna sa psychiatrist ninyo sa DOH.”

Inalok pa ng senador sa kalihim ang psychosocial support: “ Mayroon kami dito psychosocial support,” ani Gordon.

“I know it is very stressful to work in the government, so please make sure that you get it done,” dagdag pa nito.

Pero kahit na tila nag-aalala kay Duque, sinabi niya na ipagpatuloy dapat ang paggisa sa DOH dahil sa mga umano’y
kwestyunableng paggastos sa pondo sa COVID-19 na sinita ng COA.

“I consider you a friend but my loyalty is to my country first.”

“It is called accountability. It is a significant phase of the budget process because it ensures that the government funds have been effectively and efficiently utilized,” pagpapatuloy ni Gordon.

“It’s the significant phase of the budget cycle because it ensures that the government funds have been effectively and efficiently utilized to achieve the socioeconomic goals,” saad pa ng senador.

Nauna nang naging emosyonal si Duque sa isang house hearing dahil sa naging ulat ng Commission on Audit (COA)
kaugnay sa kwestyunableng paggastos ng ahensya ng kanilang pondo kung saan sinabi niya na winarak ng COA ang dangal ng DOH.

Hinimok naman ng mga senador si Duque na maging “rational” at hindi “emotional” sa pagharap sa isyu.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang senado sa Agosto 25.

With reports from ABS-CBN