Connect with us

National News

SHOW CAUSE ORDER VS 30 NA ALKALDE, IHAHAIN NG DILG

Published

on

Nakatakdang maglabas ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng show cause order kontra sa nasa 30 mayors sa mga lugar na usad-pagong ang pamimigay ng financial assistance sa mga benepisyaryo sa ilalim ng social amelioration program.

Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya, kailangang maipaliwanag ng nasabing mga alkalde kung bakit hindi nila na comply ang ibinigay na extension sa pamamahagi ng cash aid noong May 10 deadline.

“Para po dito sa mga lugar na naging mabagal ang distribusyon ng SAP, nag-utos na po si Secretary Eduardo Año na magpalabas ng show cause orders sa di lalagpas na 30 mayor sa buong bansa” pahayag ni Malaya sa Laging Handa public briefing.

“Pagpapaliwanagin po natin ang mga mayors kung bakit di nila nailabas or nadistribute ang Social Amelioration Program bago magkaroon ng deadline noong May 10, 2020.” dagdag pa nito.

Bagaman at hindi na nagpahayag ng karagdagang impormasyon si Malaya, mag-iisyu umano sila ng pormal na anunsyo may kaugnayan sa naturang usapin sa mga susunod na araw.

Nauna ng sinabi ng DILG na susundin nila ang due process sa imbestigasyon sa mga local officials na mabibigong makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance bago ang deadline.

Sa pinakahuling datos ng ahensya nasa 1,265 LGUs sa buong bansa ang nakakumpleto sa distribusyon ng first tranche ng tulong sa deadline na itinakda ng gobyerno.