Connect with us

National News

SM SUPERMALLS AT RED CROSS, NAGBUKAS NG DAGDAG NA SALIVA RT-PCR TEST COLLECTION SITE

Published

on

Larawan mula sa news.abs-cbn.com

Inanunsyo ng SM Supermalls na nakipag-partner sila sa Philippine Red Cross (PRC) upang makapagbukas ng dagdag pang mga collection drive-thru sites para sa saliva RT-PCR COVID-19 test.

Sa isang pahayag na inilabas ng SM Supermalls, maliban pa umano sa SM Megamall at SM Mall of Asia na nauna nang nagbukas ng collection sites, ang mga sample para sa saliva RT-PCR test ay maaari na ring makulekta sa drive thru sites sa SM City Fairview, SM Southmall, SM City Puerto Princesa at SM City Cebu.

“Aside from providing essentials during these times, SM aims to help keep shoppers safe and healthy. With the alarming increase of COVID-19 cases, we wanted to provide a convenient and easily accessible way for the community to get tested,” ani Steven Tan, president ng SM Supermalls.
Ang mga nabanggit na lugar ay para lamang umano sa specimen collection. Pagatanggap ng sample ay agad itong ieendorso sa mga laboratory ng Red Cross upang masuri.

Inaabisuhan ang mga magpapakuha ng sample na huwag kumain, uminom, o manigarilyo sa loob ng 30 minuto bago ang nakatakdang pagkuha ng sample.

Ayon sa mga pag-aaral, ang saliva RT-PCR method ay may 98.11 percent accuracy rate. Ito ay aprubado na ng Department of Health, ayon sa SM Supermalls.

Ang saliva RT-PCR test ay isang murang paraan upang malaman kung positibo ba sa COVID-19 ang pasyerte. Ito rin ay non-invasive kung saan hindi na kailangang magpasok ng mga bagay sa loob ng katawan upang makakuha ng specimen.

Continue Reading