National News
SRI ng mga guro, nais pataasan ni PBBM sa DEPED AT DBM
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na taasan ang Service Recognition Incentive (SRI) ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Layon ng gobyerno na taasan ang SRI ng tinatayang nasa 1,011,800 DepEd personnel mula sa P18,000 hanggang sa P20,000.
Pinasalamatan naman ni Education Secretary Sonny Angara si Pangulong Marcos sa naging direktiba nito.
Aniya, “This initiative underscores our shared goal of empowering teachers and reinforcing their critical role in shaping the future of Filipino learners.”
Ang SRI ay financial incentive na ibinibigay sa mga empleyado ng gobyerno para kilalanin ang kanilang dedikasyon at commitment sa pagtugon sa serbisyo publiko. MAS