Connect with us

National News

SRP SA MGA LAPTOP AT TABLET, PINAG-AARALAN NG DTI

Published

on

Image: Beta News

PINAG-AARALAN na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglalagay ng suggested retail price (SRP) sa mga laptop at tablet dahil sa mataas na demand nito ngayong may isinasagawang online classes.

Ayon kay Ruth Castelo, head ng Consumer Protection Group ng DTI, may direktiba na si Trade Secretary Ramon Lopez na pag-aaralan kung talagang kailangan ang paglagay ng price ceiling sa mga nasabing produkyo.

Ani Castelo, naisumite na nila ang rekomendasyon kay Lopez.

Inaalam na rin ng DTI kung may hoarding o profiteering kaya tumataas ang presyo, lalo na’t nagsisimula na ang mga online class sa ngayon.

“We’ll make sure po, on the part of the consumer protection ng DTI, utos din ni Sec. Lopez na bantayan natin pati ang suplay, hindi lang po ‘yung presyo na patuloy nating pag-aaralan but also the supply,” wika ni Castelo.

“To make sure that these are equally distributed sa mga areas kahit malalayo na siya para siguradong hindi mapagsamantalahan nang todo-todo ‘yung presyo at siguradong may mabibili sila,” saad nito.

Kung sakali mang maisagawa ang naturang plano, ito ang kauna-unahang pagpapatupad ng SRP ng DTI sa mga gadgets dulot ng pandemya.