National News
Stocks ng bigas at mais bahagyang tumaas – PSA


Bahagyang tumaas ang stock ng bigas at mais sa bansa noong Abril ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa pag-iimbentaryo ng PSA noong Abril 1, nakita nilang umakyat sa 2.5% hanggang 2.5 million metric tons ang stocks ng bigas mula sa dating 2.4 million noong nakalipas na taon.
Dumami naman ang mga suplay ng bigas sa mga commercial warehouses habang bumaba naman ang bilang ng mga kabahayan na bumibili ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).
Samantala, umakyat naman sa 8.9% o katumbas ng 777,370 metric tons ang suplay ng mais kumpara sa 713,680 metric tons noong Abril 2021.
Continue Reading