National News
“Sumusobra na sila!”- Grupo ng mga Private Schools’ sa tagasuporta ng SOGIE Bill
Nagpahayag ng matinding pagtutol sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill ang mga miyembro ng grupo ng mga private schools’ at hinikayat ang mga tagasuporta nito na magpatayo ng sariling paaralan.
Sa isang statement, sinabi ng Federation of Associations of Private Schools & Administrators (FAPSA) President Eleazardo Kasilag na sumusobra na ang kanilang mga “demands”.
Tinutukoy nito ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ) community na sumusuporta sa pagpasa ng SOGIE Bill.
“They need to put up a school of their own,” dagdag pa ni Kasilag.
Ayon kay Kasilag, ilan sa kanilang mga miyembro ay hindi gusto ang ideya na tumanggap ng mga estudyante base sa SOGIE.
“We do not even know how to call them? SOGIE creature? Heaven sent? Normal alien or just SOGIE kid,” wika nito.
“We accommodate Muslims and other faiths, being non-sectarian schools, most of us, but to accept new enrollees who shall demand our schools’ vision, mission and objectives radically changed just to welcome them, they better put up a school of their own,” aniya.
Diretsahan din nitong sinabi na lahat ng paaralan sa ilalim ng kanilang grupo ay hindi magpapagawa ng gender-neutralized toilet dahil sa kakulangan ng budget.
Nangangamba rin ito kung saan kukuha ng budget ang mga pampublikong paaralan sa pagpapagawa ng mga banyo sakaling maisabatas ang SOGIE Bill.
“I also wonder how the public schools, which do not have enough toilets, can cope with this demand,” saad ni Kasilag.
Sa kabila nito, nilinaw ni Kasilag na hindi naman kontra ang FAPSA sa LGBTQ lalo na at may mga opisyal din sila na kasapi ng LGBTQ community.
“[Some of them are] gay and lesbians and they are well-respected but this SOGIE [bill] is bending us over too far,” pahayag nito.
Pumutok ang usap-usapan ayon sa SOGIE Bill matapos harangin ng isang janitress ang trans woman na si Gretchen Diez sa pagpasok sa CR ng mga babae.