Connect with us

National News

SUPPORTERS NG LEADING TANDEM BONGBONG MARCOS AT INDAY SARA DUTERTE, NAGTIPON-TIPON SA LONDON

Published

on

Photo Courtesy: Solid BBM-London, United Kingdom, FB (Marian Belo)

Nagtipon-tipon sa London ang mga supporters ni Presidential candidate Bongbong Marcos at running mate nitong si Vice presidentiable Sara Duterte upang ipakita ang kanilang kumpyansa sa dalawang kandidato na pamunuan ang Pilipinas.

Sakabila ng init at ulan, dinumog pa rin umano ng mga tagasuporta ang campaign rally ng mga OFW sa London kung saan dinaan nila ito sa sayawan at kantahan at pagbibigay ng mensahe ng suporta sa Marcos-Sara tandem.

Ayon sa mga OFW, napili umano nila na suportahan sina Marcos at Sara dahil nakita umano nila ang strong unity ng dalawang kandidato na tinuturing na pinakamalakas na tandem sa political history ng Pilipinas.

Maganda rin umano ayon sa kanila ang mga programang gustong ipatupad ng Marcos-Sara tandem may kaugnayan sa agrikultura, renewable energy at foreign policy.

Umaasa rin ang mga OFW sa London na mananalo ang Marcos-Sara tandem sa darating na halalan at maging simula na rin ito ng pagbangon ng bansa mula sa masalimuot na sitwasyon.

Dagdag pa nila na ang Marcos-Sara tandem ang magiging gabay sa pagsasa-ayos ng pamumuhay ng mga tao sa bansa.

Napag-alaman na nangunguna pa rin ang Marcos-Sara tandem sa pinakahuling mga surveys.